EGOISTIC VEEP
Akala ko noon magkakaroon kami ng harmonious relationship ng vice president ko noon sa student council. Pero hindi pala. Super close kami noon pero noong nasa pwesto na kami, may mga bagay na nagbago. Maliban sa malayo ang classroom ko sa kaniya, may mga iba pang dahilan. May mga kamalian din ako sa administration ko but I don’t see a thing na mali ang pakikitungo ko sa kanila. I’ve always said to them whenever nagmee-meeting kami na mag open sila sa akin lagi. Hindi din naman ako nakakatakot kausap maliban na lang pag meeting. Sa buhay ko never ako naging mean. Pero bakit may mga tao paring nananadyak sa likod ko?
Magalit na kayo sa akin kung sino man sa mga kakilala ko ang makabasa nito. But this is my way, my life, ang magsulat. Para akong tanga sa harap niyo four months ago na hindi ko man lang nakayang i-explain ang sarili ko ng maayos. Pero ang pinaka hindi ko makakalimutan ay ang sinabi ni Ms. Vice president sa akin. Okay, okay, narinig ko na ang gusto mong sabihin na tatlong beses ka pa pala nagsinungaling sa akin noong tatlong beses din akong nag-tanong kung bakit malamig na ang pakikitungo mo sa akin na naramdaman ko pa talaga na maging ‘left behind who outranks me’. Was it the studentry or was your ego that matters to you? Kung hindi lang ang sarili mo ang iniisip mo, you could have told me the truth noong tinanong kita as a friendly advice. Sabi mo binibigyan mo pa ako ng chance na mapansin ang importance mo as vice president of the student council, ano iyon? Kailangan mo pa palang magsinungaling sa akin. Tinanong na nga kita, di pa ba sapat yun? Gusto mo pa ata noon na habul-habulin pa kita? Ikaw na mismo ang nagsabi sa akin na minsan nawawala ka na sa sarili mo kaya di mo na ako pinapansin, I believed you because it must have been hard for you na pagsabayin ang studies at ang SSG lalo pa’t running for first honor ka sa 3rd year curriculum noon. I gave you that damn respect that’s why I didn’t bother you anymore. Anong use sa iyo ng Constitution and by-laws ng SSG na nasa kamay mo lang? Nakalagay doon na kakailanganin lang kita as the NEED ARISES. Kung naging magalaga ang samahan natin noon, you will let me know hindi yung ginawa mo pa akong tanga o baka naman doon ka nag-eenjoy? Ang sama mo pala.
One more thing, noong nagbigay ako ng sulat sa iyo na gusto kita makausap sabi mo busy ka. Bakit hindi ka na nagreport sa akin ulit? Natatakot ka bang ikaw naman ang pagsabihan ko ng sama ng loob? Baguhin mo sana iyang ugali mo na madami ang hindi nakakaalam.
Naging mahirap sa akin pagsabayin ang studies, student council, school paper and others. I hope na habang nasa posisyon ka pa sa SSG, marealize mo kung gaano kahirap din ang nadaanan ko pati na rin ang mga previous SSG presidents. Good luck.
TO MY FORMER SUBORDINATES:
I hope you’ll leave your life na hindi umaasa sa kung ano ang magagawa sa inyo. Isipin ninyo kung ano ang magagawa ninyo in return. Don’t just let someone bear the entire burden na pagkatapos ay wala kayong magandang gagawin kundi batuhin ang leader niyo o kung sino man iyan ng bato. Sabihin niyo na, na goo-for-nothing-president lang ako. Pero ilagay niyo ang sarili niyo sa pwesto ko noon? Kakayanin ninyo kaya?
No comments:
Post a Comment