幸せのなみだ

幸せのなみだ
Tears of Happiness

Friday, October 8, 2010

Before my first semester ENDS...

Ah~!

In about two weeks matatapos na ang first semester at first stay ko sa University of Pangasinan.. Parang kailan lang para akong tanga na naghahanap ng room. Walang makasama kasi wala pa akong kilala sa mga kaklase ko. Pero hindi naging mahirap na makameet ako ng mga new friends. Salamat kina Kimberly, Sheila, Ronith, at Apple - mga pinakauna kong classmates na naging friends ko.

Sariwa pa sa mind ko, na klase ni Sir President (TFNursing class) ang unang klase na kinaenjoyan ko :P Wala kaming ibang ginawa kundi ang magpakilala, magsulat ng name, etc etc. Nagkakahiyaan pa kaming lahat noon ngayon walang hiyaan na :D Kung noon ang tahi-tahimik namin sa klase ngayon napaka-unruly na ng block c...

Kung nung una excited kami sa chemistry lab class namin pero as far as i can see, nawalana na kami ng gana... Kawawa naman si Sir Tibule. Pero anyway isang experiment na lang at tapos na ang lahat. Pasalamat tayo kay Sir Eman dahil nacocover niya grades natin sa kabuuan ng chemistry. Salamat po Sir!

Hindi ko din makakalimutan na twing quiz at exam sa college algebra, lagi akong kinakabahan. Okay na sa akin ang makakakuha ng maintaining grade naming mga PS pero mataas pa pala sa inexpect ko ang grade ko. Sana masustain ko!

Kakaiba din ang feeling dahil isa ako sa mga presidential scholars ng university. Kahit papano, narerespeto ako pero iniiwasan kong magmukha akong mayabang sa mga kaklase ko at sa iba pa. Tutal, mamaintain ko lang grades ko okay na sa akin yun.

Ang magduty sa Center for Student Development and Leadership (CSDL) office at sa National Service Training Program (NSTP) office, masaya and at the same time, nakakaantok pag walang tao...

Sa mga lahat na nabanggit ko, never ako sumama sa mga lakwatsa ng mga kaklase ko. Maliban sa home buddy ako, di ako komportable na lumalayo sa school at sa bahay. Minsan lang ako lumabas kasama sina Sheila, Apple, Sedney, Ronith, Kim, Cryselle, Jovs, at Alyanna. pero naging masaya naman kami. Nakita namin kasi si ano... at may pinagtripan sila Ronith at Sed na guy sa chowking :P tawa kami ng tawa...

Pero above all these, ang pinakaimportante:

1. Never kinonfiscate ng CSDL office ang ID ko dahil di naman ako nanlalabag ng PEN STUDENT CODE OF CONDUCT;
2. Never naman nawala at nahulog ang ID ko;
3. Never ako nawalan ng libro at notebook. Ballpen lang;
4. Never ako nawalan ng pera. Nauubos lang :P ;
5. Wala pa akong nakakaaway na student at never nareport sa Guidance Office;
6. Never nainvolve sa mga bagay-bagay na nakakasira sa image ng school;
7. Hindi ko pa naman nasisira ang laptop kapag dinadala ko sa school;
10. Di pa ako nagkagrade lower than 87; at

9. marami pang iba :D

I therefore conclude na good girl ako sa lagay na 'to :D and proud ako..
Salamat dahil makakasurvive ako sa first semester sa Upang PEN...

Pero sana, sa pang TEN na bilang, ito sana ang magawa ko :

Ang makamaintain ng grades pagdating sa FINALS para PS parin ako.


*END*      -rannie <3